Aminado ang aktres na si Nathalie Hart na talagang ini-stalk niya ang kanyang Australian fiancé na si Brad Robert noong nagsisimula pa lamang ang kanilang love story at ayon pa sa aktres ay nang dahil sa Facebook ay natagpuan ang kanyang Mr. Right.
Sa isang panayam, sinabi ng aktres na makulay pero parang naging mabilis ang takbo nang pagsisimula ng relasyon nila ni Brad.
“Nakita ko lang ‘yung picture. Sabi ko, ‘pwede na, try ko lang kausapin.’ In-stalk ko. Sabi ko ‘sige pwede na, kausapin ko na rin.’ Nasa ibang bansa siya but my whole family is actually from Australia. Then I was going there to visit my family, isiningit ko na siya. So, nag-meet kami. Sabi ko ‘okay naman pala,’” sabi ni Nathalie.
Dagdag pa niya, nagkakilala sila online ng October, at nagdesisyong magkita two months later in December hanggang sa maging magdyowa na nga.
Makalipas ang anim ba buwang relasyon, nag-propose na si Brad kay Nathalie noong August, 2022.
“Ang bilis! Sabi ko nga bakit nagmamadali. Relationship-wise six months pa lang kami pero eight months ko na siyang kilala nu’ng nag-propose sa akin. Nagmamadali siya masyado,” sabi ni Nathalie.
Inilarawan ni Nathalie ang kanyang fiancé bilang responsable, mabait at marespetong tao at higit sa lahat mapagmahal sa anak niyang si Penelope.
“May anak na rin siya isa, so parehas kaming tig-isa. It’s a tie,” saad ng aktres.
“Actually nandito siya sa Pilipinas pero nandito kasi ang anak ko. So tinatapos ko muna ang school year ng anak ko bago magplano ng ganu’ng bagay. As a mom, ang priority ko is my child. So uunahin ko muna ang anak ko,” sabi ni Nathalie.