Lumipat na ang aktres na si Heaven Peralejo sa Viva Artists Agency mula sa dati niyang kinaanibang Star Magic at ayon sa dalaga, talagang nagpaalam muna siya bago siya nagdesisyon na lumipat ng agency.
Kasabay nang kanyang pagpapaalam ay ang taos-pusong pasasalamat sa tiwala at pagmamahal na ibinigay sa kanya ng team ni Direk Lauren Dyogi, ang head ngayon ng Star Magic.
Ayon kay Heaven kahit na saan siya dalhin ng kapalaran, mananatili pa rin siyang “Kapamilya at heart” at hinding-hindi niya makakalimutan ang naging journey niya sa showbiz mula nang maging housemate sa “Pinoy Big Brother” hanggang sa makagawa na nga ng sarili niyang pangalan sa industriya.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Heaven ng kanyang litrato.
“I had been working in the same industry for years, and while I enjoyed my job, I know deep down that I am ready for this change. I wanted to take a moment to express my heartfelt thank you for the time I had with @starmagicphils @abscbn. I’ve had the privilege of working alongside some of the most inspiring professionals in the industry and I will be forever grateful for all the lessons and experiences I gained. I have and will always be a Kapamilya at heart,” sabi ni Heaven.
“To @vivaartistsagency I am truly honored to be welcomed in this family and I’m so excited to grow and work with everyone else. Can’t wait to see what this new chapter brings,” dagdag niya.
Ibinahagi rin ni Heaven ang ilang litrato at video clips ng pagpirma niya ng kontrata sa VAA, kasama ang big boss ng kumpanya na si Vic del Rosario.
Bukod naman sa rumored boyfriend niyang si Marco Gallo na leading man niya sa latest digital series na “The Rain In España” na napapanood na sa Viva One, may iba pang Viva artists na gusto siyang makatrabaho.