Inamin ng aktres na si Elisse Joson na nalampasan na nila ng kanyang partner na si McCoy de Leon ang mga dumating na pagsubok sa kanilang pagsasama at sa ngayon ay talagang okay na sila kahit naghiwalay sila nang ilang buwan.
Ayon kay Elisse, masasabi niyang mas tumatag pa ang kanilang relasyon ngayon matapos pagdaanan ang kanilang naging problema bilang live-in partners.
“We’re happy. I think in any kind of relationship, you’re gonna have to stumble on a few roadblocks. And marami pang dadating na mas mahirap sa’min. So, I think we’re happy na,” sabi ni Elisse.
Kuwento pa niya, niligawan siyang muli ni McCoy.
“Sabi ko sa kanya, huwag niyang kalimutan ‘yung sweetness and pagiging present sa amin kahit wala naman kaming pinag-awayan. Araw-araw, ipinapakita naman niya that what we have is worth it. Bukod sa schedules namin, it’s a joint effort in keeping the family alive and together. Kasi it’s an effort between two people,” saad ni Elisse.
Natanong din si Elisse kung paano niya ilalarawan si McCoy bilang tatay ni Felize.
“McCoy is very hands-on. He likes to be always present in our family, especially when it comes to keeping us whole. Pagdating naman sa work as a parent, siya naman ‘yung very active part of things, like playing with Felize, taking her out. Maswerte po kami kay Felize kasi dire-diretso ang tulog niya, never kaming napuyat dahil sa kanya. Kapag meron akong work, siya ang nag-aalaga kay Felize. Kapag siya naman ang may work, ako naman. Pero kapag wala kaming choice, sinasama ko si Felize sa trabaho,” sabi ni Elisse.