Aminado ang aktres na si Ellen Adarna na hindi pa muna siya babalik sa showbiz dahil gaya ng kanyang asawang hunk actor na si Derek Ramsay, mas gusto ni Ellen na i-enjoy muna ang kanyang married life kasama ang anak nila ni John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.
Ayon kay Ellen, kahit hindi muna siya tumatanggap ng acting projects ay kuntento na siya sa mga endorsements gaya ng Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center sa BGC, Taguig City.
“Ayokong mag-taping, ayokong mag-soap, alam naman nating it requires a lot of energy and time away from family. It is my choice to take a break,” sabi ni Ellen. “I think, we just met at a perfect time. That when I met him, parang ayaw na din niya. I think, because of Covid-19, you know, parang he realized a lot of things.”
“When I had Elias, parang it was really my priority that I want to be there on his formative years and so, there, he’s turning 5,” dagdag niya.
Inamin din ng aktres na kakaririn nila ni Derek ang pagkaroon ng baby this year dahil gustung-gusto na niyang sundan si Elias.
“So, wala pa talaga sa plano ang magbalik,” saad ng aktres.
Sabi pa ni Ellen, isa lang daw ang plano nila ni Derek na maging baby at sana raw ay maibigay na ito sa kanila ngayong 2023.