Inamin ng aktres na si Bea Alonzo na kamakailan ay nadiagnose siya ng hypothyroidism na siyang nagiging dahilan ng pagdagdag ng kanyang timbang.
Ipinagtapat ng premyadong aktres ang kundisyon ng kalusugan sa bago niyang vlog na napapanood sa kanyang YouTube channel.
“Aside from having PCOS (polycystic ovary syndrome), I recently was diagnosed with hypothyroidism so that’s the reason behind my gaining weight,” sabi ng dalaga.
“I’m trying to address it now by working out, by dieting and taking meds for it and supplement. So wish me luck, sana matapos na siya. So mga nagsasabi diyan, bakit ang taba na daw ni Bea, yun po yung reason. Pasensya na kayo,” dagdag pa niya.
Bukod kay Bea, ang iba pang female celebrity na may hypothyroidism ay sina Shaina Magdayao at Moira dela Torre. May problema rin sa thyroid si Angel Locsin kaya tumaba ito.
Ayon sa isang health website, ang pagkakaroon ng hypothyroidism ay nangangahulugang hindi aktibo ang thyroid gland ng isang tao kaya hindi makapag-produce ng sapat na thyroid hormone.
At dahil dito, hindi nagiging normal ang metabolismo ng katawan ng isang tao na siyang sanhi ng pagdagdag ng timbang.