Aminado ang aktres na si Bianca Umali na ngayon pa lang daw ay iniisip niya na ang kapakanan at madaratnang mundo ng magiging anak niya dahil sa mga problemang kinakaharap nito lalo na sa polusyon.
Sentro kasi ng topic ng online series ang kinakaharap na problema ng bansa sa basura at kung ano ang p’wedeng gawin ng bawat mamamayan para solusyunan ito sa simpleng pagsasabuhay ng “Reduce, Reuse, and Recycle” practices.
Kasama ni Bianca sa media launch ang ilan pang bida ng bawat episode na sina Allen at Sofia, at ang nobyo niyang si Ruru Madrid. Dito ay natanong sila sa kanilang saloobin sa lumalalang problema ng bansa sa basura.
Ayon kay Bianca, kailangang mas paigtingin pa raw ang kampanya sa pag-aadress sa waste problem dahil tingin niya ay iniisnab lang ng marami ang problemang ito.
“No one really understands the gravity of the situation, that’s why we really have to talk about this a lot. That’s why we really have to spread awareness to all generations,” pahayag ng aktres.
Kung ngayon pa nga lang daw ay challenging na ito, how much more pa kaya sa mga susunod na taon kung pababayaan na lang.
“It’s really important to me kasi tayo pa lang sa generation natin ngayon nahihirapan na tayo. What more sa susunod na generation,” sabi pa ni Bianca.
Saad pa ng The Write One lead star, hindi niya raw maiwasang mangamba sa kung ano ang magiging buhay ng kanyang future baby at ng mga batang ipapapanganak pa lang.
“This is why I’m so affected by it, kasi, honestly, I’m worried. Paano na kapag nagkaanak ako, ano na ’yong mangyayari sa kanila? Ano na ’yong mundo para sa kanila? Are they going to be able to enjoy the nature itself or are they going to enjoy a world na punong-puno na ng plastic at wala na silang makita na kahit isang puno?” dagdag niya.
“And I think that’s how important it is to me. I’m concerned not just about myself. I’m concerned about the children of tomorrow, ’yong mga magiging anak ko. ’yong mga magiging anak nila,” sabi pa ni Bianca.