May sweet na mensahe ang aktres na si Coleen Garcia para sa kanyang asawang si Billy Crawford ngayong ipinagdiwang nila ang kanilang 5th wedding anniversary at sa Tagaytay sila gumet-away.
Sa kanyang IG, ibinahagi ng aktres ang kanyang mensahe para sa asawang aktor.
“5 years married to this guy. [winking face with tongue emoji]” sabi ni Coleen.
Nagkuwento naman si Coleen sa kanilang mga adventures sa Tagaytay.
“Today started with a (very hot) breakfast ride, and then a bunch of spontaneous, last-minute plans that we were not prepared for, but thoroughly enjoyed anyway. It ended the same way it always does: chilling and watching our current favorite show, then cuddling up with our little one. So blessed I get to do life with you @billycrawford Love you! [white heart emoji],” sabi ni Coleen sa kanyang post.
Si Billy rin ay may mensahe para sa kanyang asawa.
“Happy 5th wedding anniversary, my everything!,” pagbati ng singer-actor sa kanyang misis. “Started from a small motorcycle trip to Tagaytay, followed by some spontaneous plans together.”
“Off to relax and enjoy the rest of the day before we go back to being mommy and daddy again. [laughing face emoji] #coleengotthebill I love you so much [emojis],” dagdag niya.
Matatandaang noong April 2018 nang ikinasal sina Coleen at Billy sa isang exclusive island ng Balesin.
Matapos ang dalawang taong kasal ay biniyayaan sila ng anak na si Amari.