Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Biyernes na sisimulan na nito ang ang land evacuation ng mga Filipino na naiipit sa kaguluhan sa Sudan sa susunod na linggo.
Ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo de Vega, hindi kasi madali ang paglilikas sa mga Filipino sa Sudan dahil hindi magagamit ang airport bunga ng bakbakan ng Sudanese Armed Forces at Paramilitary Rapid Support Forces.
“For the repatriation, we already have authorization [to do that] given proper conditions. It should be land evacuation, not by plane, because the airport is not operational. We hope it can be done next week,” saad ni De Vega sa isang panayam.
“We will update you as soon as our team is able to enter Sudan. There is power supply and internet connection, and initially, Filipinos there on record are just around 250. Now, it is almost 500 since others were not registered, so we are asking them to reach out to us,” dagdag niya.
“A lot of Filipinos employed by a big company there like DAL are being assisted by the company for their supplies, but it is not the case for others employed in other firms. The advantage for these Filipinos [not employed by a big firm] is that they are located in the same location in significant numbers, like 11 of them reside in the same building. It is easier to locate them,” pahayag pa ni De Vega.
Ayon pa sa DFA official, ang pinakamalapit na Philippine Embassy sa Sudan ay nasa Egypt. Pero mayroong honorary consulate ang Pilipinas sa Sudan na hanggang magbigay ng tulong sa mga Pinoy doon tulad ng groceries at iba pa nilang kailangan.
Una rito, kinumpirma ng DFA na isang Pinoy ang nasugatan dahil sa nangyayaring kaguluhan doon. Maayos na ang kalagayan ng naturang Pinoy.
Tinatayang 350 katao na ang nasawi sa kaguluhan sa Sudan, habang nanawagan ang United Nations sa dalawang naglalabang grupo na magpatupad ng three-day ceasefire kaugnay na rin ng paggunita sa pagtatapos ng Ramadan o pagtatapos ng pag-aayuno ng mga Muslim, at para mailikas ang mga sibilyan.
Nagsimula ang kaguluhan sa Sudan nitong Sabado, sa pagitan ng dalawang military generals na nagsagawa ng kudeta at umagaw ng liderato ng bansa noong 2021.