Inihayag ng aktres na si Maja Salvador na magkakaroon umano siya ng sitcom sa GMA 7 kasama si Bossing Vic Sotto at Jose Manalo at sa IG ng dalaga kinumpirma ang nalalapit na television show.
Ipinakita ng dalaga ang ilang litrato nila nina Vic at Jose kasabay ng pagkumpirma sa upcoming sitcom nilang “Open 24/7” na mapapanood na very soon sa Kapuso network.
“Open 24/7 SOON! Panibagong pangarap ko na naman ang natupad! Last January nung malaman ko ang balita tungkol sa sitcom… Finally Ito na at tuloy na tuloy na! A million thanks Bossing sa tiwala. #MzetProductions #Gma,” sabi ni Maja sa kanyang caption.
“Hindi lang siya puro patawa kumbaga dapat may laman na galing sa puso yung mga istorya na tatalakayin ninyo, makakarelate yung mga tao,” sabi naman ni Bossing Vic. “Si Maja, ganda ng personalidad niya. She is very sweet. Tapos nagkasama kami sa ‘Eat Bulaga,’ matagal-tagal din du’n so iyong vibes andun na kahit first time ko siya makakasama sa sitcom.”
Itinuturing naman ni Maja na dream come true ang makatrabaho ang movie at TV icon.
“Dream ‘ko talaga na makatrabaho si Bossing ‘di man sa pelikula pero at least sa sitcom niya,” sabi ng dalaga. “Ito na ang pinakamaarteng role na gagawin ko, ngayon pa lang, pagod na ‘ko, ganu’n. Pero exciting, for me, parang ‘yung iba, subtle ‘yung pagkaarte niya, ito, matindi.”
“Kita mo, kumpleto ako sa lahat, todo kulot meron pang headband tapos ang daming abubot pero exciting kasi kailangan ko ng maraming energy,” dagdag niya.