Aminado ang aktres na si Nadine Lustre na naiimbiyerna siya sa mga taong gustong pagkumpetensiyahin ang mga showbiz loveteams sa bansa at ayon sa kanya, naiinis siya kapag nagkakaroon ng nagkakaroon ng kumparahan, pero pinipilit nalang daw niya itong hindi isipin.
Sa panayam ni Bea Alonzo sa dalaga, sinabi niya na wala naman dapat kompetisyon sa mga loveteams.
“I didn’t like that there was a competing aspect to it. Parang sa akin back then, hindi ko nagegets bakit may ganoon so I was more of just doing what I have to do,” sabi ni Nadine.
“Nafi-feel ko lang talaga na pinagko-compete kami ng mga tao pero hindi ko siya inisip,” dagdag niya.
Sinabi pa ni Nadine na hindi siya sang-ayon sa konseptong pinaglalaban ang mga love team na hanggang ngayon raw ay nangyayari pa rin sa ibang mga tambalan.
“Ayoko [ng competition sa amin]. Parang I was really just doing my own thing. Hindi ko rin gets bakit kailangan may competition. Even until now, nakikita ko siya sa ibang loveteams [ngayon],” sey ng award-winning actress.
Para raw kay Nadine, mas madaling magkaroon ng relasyon sa labas ng mundo ng showbiz.
“Kasi walang influence ng ibang tao. Si Chris ang anchor ko labas ng showbiz which is something that I need. Pag nasa showbiz ka kasi, sometimes it gets too loud. It gets too noisy. Siya ‘yung [humahatak] sa akin when it gets too crazy,” sabi ni Nadine.