Hindi naitago ni 2018 Miss Universe Catriona Gray ang kanyang kasiyahan dahil kasama niya ang kanyang fiancé na si Sam Milby sa Tokyo, Japan noong Holy Week at sa kanyang IG, ipinost ni Cat ang larawan nila ni Sam na nasa Tokyo Skytree at base sa Google ay ito ang broadcasting at observation tower sa Sumida, Tokyo na tallest building sa Japan na isa ring restaurant.
“Our first trip as an engaged couple exploring the city of Tokyo. @samuelmilby,” saad ni Catriona sa kanyang caption.
Maraming netizens ang nag-like sa mga larawan na hinalikan ng aktor ang kanyang fiancée sa pisngi at kinilig naman ito.
Kumpirmado naman na sa Australia ang kasal nina Sam at Catriona para ma-witness din ng relatives ng kanyang Daddy Ian Gray na tagaroon.
At madali rin ito para naman sa pamilya ng aktor na lumipad doon galing ng Ohio, United States at higit sa lahat ay gusto ng dalawa na intimate lang ang wedding nila.
Kung tama ang mga balita ay sa 2024 na ang special day nang dalawa at nag-aayos na sila para rito with their wedding coordinator.