Sasabak uli sa pinilakang tabing ang aktres na si Kathryn Bernardo dahil may dalawang proyekto na siyang naka-line up ngayong taon.
Makalipas ang halos apat na taon mula nang gawin niya ang blockbuster hit na “Hello, Love, Goodbye,” with Alden Richards, bibida uli si Kathryn sa pelikulang “A Very Good Girl” kasama ang award-winning Filipina actress na si Dolly de Leon.
Ang isa pa niyang gagawin para sa ABS-CBN at Blacksheep Productions ay ang historical film na “Elena 1944.”
Ang “A Very Good Girl” ay ididirek ni Petersen Vargas, mula sa panulat ni Marionne Dominique Mancol at very soon ay magsisimula na ang shooting nito dahil ngayong taon din ito ipalalabas sa mga sinehan.
“It’s such an honor because I will be working, she agreed to work with me, with the one and only Ms. Dolly de Leon. For sure marami akong matututunan sa kaniya. I can’t wait to meet her again. Kasi sinabi niya pala na nagkasama na kami years ago when I was younger before pa but that was very short lang. Now, I am looking forward na mas makatrabaho siya nang matagal at mas makilala siya. What a great honor na gumawa at nabigyan niya ako ng oras,” sabi ni Kathryn.
Ito ang unang pagkakataon na magkakasama sina Kathryn at Direk Petersen na siyang nasa likod ng “An Inconvenient Love” nina Belle Mariano at Donny Pangilinan.
“I feel like he is the perfect director to guide me in this movie. So I am really excited na makatrabaho siya for the first time,” sabi ng dalaga.
Sinabi rin ni Kathryn na talagang ni-request niya sa Star Cinema ang proyektong ito, “I personally asked for this na after ‘2 Good 2 Be True’ I want something na genre na hindi ko pa nagagawa before.
“Dark-comedy, I love watching dark comedy series or movie but then ‘yung gagawin ko ‘yon for sure it will be challenging but I am accepting the challenge and let’s do this Petersen,” saad ni Kathryn.
Samantala, bukod nga sa “A Very Good Girl,” bibida rin siya sa historical movie na “Elena 1944,” mula sa direksyon ni Olivia Lamasan under Black Sheep. Gaganap siya rito bilang isang comfort woman noong Japanese occupation.
“It’s with my great pride and honor that this movie will be directed by ‘Inang’ Olivia M. Lamasan,” sabi ng dalaga. “Nung pinitch ‘yon, nandoon ‘yung takot, nandoon ‘yung medyo marami ka pang kailangang kausapin i-consult kasi medyo, paano ko ba sasabihin? Hindi pa ako sensitive, hindi pa ako ready for these kinds of roles. But then parang universe made a way. So na-stop muna ‘yung project na ‘yon, it was there I was happy na hindi pa siya ginawa nandiyan lang siya. Then pinitch nila ulit sa akin. Then, ‘yan fast-forward nandito tayo ngayon. I turned 27 and mas ready na si Deej (Daniel Padilla), mas ready na si mama, I think ‘yung fans. Sila talaga (ang consideration). ‘Yung fans most especially, ready sila and ako personally alam ko nu’ng tinanong ako ni Inang na parang gusto ko na siyang gawin kasi buo na ang puso ko na gawin siya, perfect kung kailan naman siya ipapalabas. It’s a very nice project.”