Aminado ang aktres at dancer na si Rochelle Pangilinan na talagang selosa siya lalo na pagdating sa asawa niyang si Arthur Solinap.
“Kapag hindi ako nagselos, aba, kabahan na siya!” saad ni Rochelle sa panayam ng King of Talk na si Boy Abunda.
Ayon kay Rochelle, naging isyu rin ang selosan pero nagpapasalamat siya kay Arthur dahil bukod sa mabait na ito ay super understanding din ang aktor.
“Dapat lang para mas ma-feel niya na love na love ko siya. Naku, kapag hindi na ako nagselos, yun na, kabahan na siya,” sabi ni Rochelle.
Kuwento pa niya, nag-e-explain naman si Arthur nang bonggang-bongga kapag meron siyang mga issue, lalo na pagdating sa mga babae.
“‘Bakit tabi sa iyo ‘yan? Bakit lahat ng pictures, magkatabi kayo, ano ‘to?’ May ganu’n ako. Pinapakalma na muna niya ako saka noya ie-explain yung side niya,” dagdag niya.
Ngunit ipinagdiinan naman ni Rochelle na kahit grabe siya magselos ay hindi naman siya umabot sa panunugod at pakikipag-away sa mga babaeng pinagselosan niya.
Bigla naman siyang kumambiyo sa bandang huli ng panayam sa kanya ni Tito Boy Abunda, “Kay Arthur, secured ‘yung pakiramdam ko na mahal talaga ako so paparamdaman niya sa ‘yo na hindi ka dapat magselos.”
Ikinasal sina Rochelle at Arthur noong August, 2017 sa Tagaytay at biniyayaan sila ng isang anak na babae, si Shiloh.