Aminado ang aktres at Miss International 2016 na si Kylie Verzosa na mas naiintidihan na niya ngayon ang propesyon ng mga “sugar babies” pagkatapos niyang gawin ang latest movie sa Viva Films na “Baby Boy, Baby Girl.”
Ito ang kauna-unahang romcom-drama na ginawa niya kung saan muli niyang nakatambal ang hunk actor na si Marco Gumabao kung saan tinalakay ang tungkol sa mundo ng sugar dating at sa mga nagtatrabaho bilang mga sugar babies.
Inamin ni Kylie na hindi siya aware noon sa konsepto ng sugar dating at kung anu-ano nga ba ang ginagawa at ipinagagawa sa kanila ng mga nakukuha nilang sugar mommy at sugar daddy.
“I was surprised so what I did is do my own research about it. Our director, Jason Paul Laxamana, told me there are websites about sugar dating so I took a look and I interviewed my friends about it. So I learned, ah okay, may nangyayari naman pala talagang ganito and my first reaction is we cannot just judge the people who do it. Most of them have their own reasons and I became more compassionate with them,” saad ng dalaga.
In fairness, kinarir talaga ng aktres at dating beauty queen na ang preparation para sa kanyang role, lalo pa’t ilang eksena sa pelikula ang kinailangang magsuot siya ng two-piece bikini at iba pang sexy OOTD.
“I really had to diet even more. I’d like to say I gained weight for the role. Ha-hahaha! For me it was more of I had to research more and talk to people who have done sugar babying on the side,” sabi ni Kylie.
“Marami akong natutunan dito sa movie dahil sa pagganap ko as a sugar baby. Mas tumaas yung respeto ko para sa kanila. At saka mas nirespeto ko sila as human beings,” dagdag niya.