Inihayag ng water concessionaire na Maynilad na kailangang maghanda na ang publiko sa mga posibleng water interruption ngayong tag-init, lalo’t may banta pa ng El Nino.
“Iniexpect natin na kaunti na ang mga pag-ulan na magaganap na makaka-replenish sa ating dams ah nitong mga susunod na buwan at minabuti ng Maynilad na mag implement na po tayo ng mga pressure management na or off peak service interruptions or daily service interruptions sa ating concessionaire area,” saad ni Maynilad Corporate Communications Head Jennifer Rufo.
Ang ilang konsumer, nagiisip na ng paraan para mairaos ang kawalan ng tubig.
Pero ayon sa Maynilad, maganda pa ang suplay ng tubig sa Angat Dam Habang may pagbaba naman sa lebel ng tubig sa Ipo Dam.
Dahil dito, nanawagan ang Maynilad sa kanilang konsumer na magtipid sa konsumer ngayong tag-init.