Inihayag ng Department of Justice (DoJ) na kasunod nang pagsuko at pagkaaresto sa ilang suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo, umaasa ang ahensya na maisasampa na sa korte sa katapusan ng Marso ang mga kaso laban sa kanila.
Ayon kay DoJ Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla, posibleng maisampa ang kaso sa March 30 o March 31.
“We think that it should be right for the filing hopefully by March 30 we can file these cases. March 30 o 31,” saad ng kalihim.
Pero nang matanong ang kalihim kung kasama na sa mga kakasuhan si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves, Jr. ay hindi pa ito masagot ni Remulla.
“I don’t know yet because if the case will be filed, it still have to go preliminary investigation, except for those who voluntary gave their statements,” sabi ni Remulla.
Ayon pa kay Remulla, may hawak nang listahan ang DoJ ng posibleng mga suspek sa pagpatay kay Degamo at may mga nadadagdag pa sa inisyal na listahang meron sila.
Importante umano ang mga ebidensiyang magdidiin sa mga taong nasa likod ng krimen.
“We have a listing already – the initial list that we got was 17 people but there are more names coming up but as I said, we have to build up cases,” saad ni Remulla.
Naniniwala si Remulla na may grupo o organisasyon sa Negros Oriental na nasa likod ng mga insidente ng pagpatay sa probinsiya.
“We are looking of a group of people or organization within Negros Oriental that is possibly involved in this… Maybe a group of 7 to 10 people may be involved here in the murders that we are talking about… Very possible, they may intersect at some points or they may have a lot in common to the Degamo murderers,” dadgag ni Remulla.