Sinuspinde ng Kamara de Representates nang 60 days si Negros Oriental Third District Representative Arnie Teves Jr. dahil sa hindi pagsipot sa kapulungan kahit napaso na ang kaniyang travel authority sa abroad.
Sa ginawang botohan nitong nakaraang Miyerkules, 292 kongresista ang pumabor sa rekomendasyon, at walang tumutol.
Ayon sa House ethics and privileges committee, napatunayan na nagkasala si Teves ng “disorderly conduct affecting the dignity, integrity and reputation of the House of Representatives in accordance with the House Rules.”
“After thorough deliberation and observation of due process, the committee hereby recommends to the House of Representatives the imposition of penalty of 60 days suspension from the service upon Representative Teves for disorderly conduct,” ayon sa sponsorship speech ng committee report 472, na ginawa ni Representative Felipe Espares, chairman ng komite.
Sa talumpati ni Speaker Martin Romualdez, sinabi nito na hindi nila kokonsintihin ang maling asal ng kanilang mga kasamahan sa kapulungan.
“Under our leadership, the House will never ever countenance any conduct unbecoming [of] a House member,” saad ni Romualdez.
Una rito, binigyan ng pamunuan ng Kamara ng travel authority si Teves mula February 27 hanggang March 9.
Nang mapaso ang travel authority ni Teves, iminungkahi ni Romualdez sa kongresista na umuwi na at harapin ang mga ibinabatong alegasyon laban sa kaniya.