Aminado ang aktres na si Arci Muñoz na talagang nabaliw siya sa BTS, ang Korean Pop boyband na talagang sikat ngayon sa buong mundo.
Ayon sa aktres, hindi na siya die-hard fan ng BTS boy band tulad nang dati na talagang panay ang lipad niya sa iba’t ibang bansa para sundan ang mga ito sa kanilang concerts.
“Grabe tito (Ogie) ang pinagdaanan ko, nu’ng kami nina Hopie, nu’ng nagkita kami ni Liza (Soberano). Ako, natulog ako sa kalsada ng Korea, alas-singko ng madaling araw. Kasi gusto kong pumasok sa pop up store ng BTS na mag-o-open ng 10 in the morning. Nandoon ako 5 a.m. kasi 5 a.m. nandoon na ‘yung pila, to parking lots na kami. We were all waiting there in the cold. Until mag-open ‘yung store ng 10 in the morning nandoon ako limang oras ako in freezing cold. But I didn’t feel it that time because I was a fan girl. I was happy,” saad ni Arci sa panayam ng talent manager at showbiz columnist na si Ogie Diaz.
“It makes me happy and I’m looking forward and it’s such an experience for me. Ang dami kong experience tito bilang fan girl and ang dami ko ring natutunan,” dagdag niya.
“Isa sa hindi ko makakalimutan kasi nag-camping ako sa lahat ng tindahan na nasa labas ng parking lot. Pangalawa ‘yung first time ko napanood ang BTS nasa Korea ako na pumila ako sa labas ng tindahan. Iba ‘yung excitement kasi first time mong makikita ‘yung idol mo, grabe umiiyak ako do’n. Pangatlo ‘yung New Years ako lang mag-isa. Ball drop before the pandemic nasa New York (USA). Lumipad ako ro’n mag-isa ako first time kong mag-spent ng New Year na mag-isa dahil kailangan kong panoorin ‘yung BTS once in a lifetime. That was five straight months I’m seeing them in every month, October in Korea, November in Japan, December I was in LA (Los Angeles) to see them and same month I was in New York to see them for 2021 countdown. From New York I flew to straight to Korea to see them again and then pak, pandemic!” sabi ni Arci.
“You see, I have no regrets, I did whatever makes me happy, ganyan sila kalapit at puwede ko nang hawakan, but of course I’m just a fan girl. I appreciate them even from afar and that’s okay,” dagdag niya.