Inihayag ng aktor na si Gerald Anderson na ang kanyang nobyang si Julia Barretto na ang kanyang nais pakasalan in the near future at ayon pa sa binata ay malapit-lapit na rin siyang lumagay sa tahimik dahil hindi na rin daw siya bumabata.
Sa isang panayam kay Korina Sanchez, sinagot ni Gerald ang lahat ng mga itinanong sa kanya.
“Kailan ka ikakasal? Ikakasal ka na ba? Ninerbiyos ka? Nanlalamig ka yata?” ang sunud-sunod na tanong na ibinato ni Korina sa binatang aktor.
“Di naman, di naman po. You know, everything na ginagawa ko ngayon is because alam ko naman na malapit na yun, e. Hindi naman ako, kumbaga, yung 25-year-old na, ‘Di trabaho muna ako, career muna ako.’ You know, honestly, generally, lahat ng ginagawa ko sa career ko, sa show business, sa pagiging businessman, is leading up to that point,” saad ni Gerald.
Sunod na question ng veteran broadcast journalist at dating news anchor, “So, it’s gonna be Julia you think? Di mo masabi?” Na sinagot agad ni Gerald ng, “No, siya talaga.”
“Alam mo, you just know, alam mo na, e. You feel na may nagbabago sa yo. You feel na nag-iiba or mas nag-iiba yung priorities mo or mas naging malinaw sa yo yung priorities mo. Alam mo yung kasabihan na ‘you just know.’ Ang hirap mag-explain, e, iba yung feel. Iba yung feel,” sabi ng aktor.
Samantala, sinagot din ni Gerald ang tanong kung naaapektuhan pa rin ba siya ng mga pangnenega at pang-aasar ng mga bashers.
“Honestly po, alam ko na medyo cliché siya pakinggan, but that negative energy, I use it and I turn it into positive energy na it takes me so far. Ewan ko kung may sense yun, but I’ve lasted this long also dito sa industriya natin because of, siyempre yung supporters, but because of people saying, ‘I can’t do something,’ or ‘Hindi ko kaya to,’ or ‘Hindi ako magaling diyan,’ o ‘Hindi ito para sa kanya.’ Ewan ko, medyo weird ako but that energy na yan. And advice ko rin sa up-and-coming artists, huwag kayo matakot, or huwag bumaba yung pagkatao niyo because yun talaga ang uso ngayon, people will bash you talaga no matter kung anong ginagawa mo,” sabi ni Gerald.