Inamin ng Vivamax bombshell na si Ava Mendez na single siya uli ngayon matapos ang paghihiwalay nila ng rapper na si Skusta Clee at sa isang panayam, sinabi ng dalaga na hindi umano sila nagkakasundo sa mga plano sa buhay.
“May mga bagay talaga na hindi match and [sinubukan] naman namin. Okay naman talaga,” sabi ni Ava. “Parang masasabi ko na lang siguro pag friendship mas okay kaysa sa relationship.”
Nilinaw rin ni Ava na silang dalawa naman ang nagdesisyon na maghiwalay na lamang.
“Mutual talaga na desisyon na mag-separate muna kami kasi hindi talaga okey,” saad ng aktres. “Hindi kami magkaaway…Hindi ko masabi din na friends, pero parang casual.”
Ayon pa sa dalaga, aware siya sa mga hinaharap na isyu ni Skusta, pero hindi daw kasi iyon naging hadlang sa kanya sa kanilang naging relasyon dahil ang tinitingnan kasi niya ay mismong pagkatao ng dating dyowa.
“Alam naman ng mga tao na ang tagal kong single. Ang dami nga nagsasabi na bakit daw ako pumasok sa gunung situation tapos ang daming issue,” sabi ni Ava.
“Ako kasi, hindi naman ako ganun about sa gunung personality. Ang nakita ko kasi sa kanya is parang siya talaga mismo, na hindi ko nakita na artist sya, ganito siya, may issue siya, ganyan-ganyan so whatever. Kasi ako, hindi niya ako nakita na ganun na sexy star,” dagdag niya.
Ibinahagi rin ni Ava na mula nang maghiwalay sila ni Skusta ay hindi na sila nakakapag-usap.
“No contact kasi masyado ako ngayon nag-focus dito sa project na DOMME, more on training, meron akong webinar class kasi nag-apply ako ng class sa US about business management,” paliwanag ni Ava.