Inamin ng aktres na si Ashley Ortega na ang kapuwa Kapuso na si Juancho Triviño ang kaniyang “first love” at “first boyfriend.”
“Na-fall ka na ba sa leading man?” tanong ni Tito Boy kay Ashley sa Fast Talk segment ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes.
“Yes,” tugon ng dalaga na lead star Kapuso series na “Hearts on Ice.”
Napatanong si Tito Boy kung sino ang lalaking tinutukoy ni Ashley.
“Juancho Triviño. He was my first boyfriend. I mean, naging out naman kami dati,” pag-amin ng aktres.
“First love and my first… Waahhhh!” pagpapatuloy ni Ashley, na tila nagulat din sa kaniyang rebelasyon.
Nagkatrabaho na sina Ashley at Juancho sa ilang Kapuso shows, tulad ng My Destiny at InstaDAD, at nag-guest pa sa Wowowin.
Ngayon, kasal na si Juancho sa Kapuso star na si Joyce Pring, at magiging dalawa na ang kanilang anak.
Moving forward naman si Ashley matapos makipaghiwalay sa alkalde ng Lucena na si Mark Alcala.
Kung matatandaan, inamin ni Ashley sa media conference ng upcoming series nila ni Xian Lim na “Hearts On Ice” ang naturang breakup nila ng alkalde.
Ayon kay Ashley, mutual decision ang hiwalayan nila ni Mayor Alcala noong nakaraang taon.
Gayunman, hindi na nagdetalye si Ashley tungkol sa breakup dahil focus muna niya ang career.