Dumipensa ang aktres na si Gabbi Garcia sa mga naging paratang ng ilang mga netizens sa boyfriend niyang si Khalil Ramos na gumamit daw ang aktor ng professional camera sa concert ni Harry Styles.
Maganda kasi ang quality ng mga in-upload na photos and videos ni Khalil na kinunan n’ya sa concert ng British singer-songwriter last March 14 sa Philippine Arena.
Dahil dito ay may mga naintrigang fans kung ano ang camera’ng ginamit niya. Meron din namang diretsahang nag-akusa sa aktor na gumamit ito ng professional camera sa concert kahit na ipinagbabawal ito sa mga ganu’ng event.
To the rescue naman si Gabbi para ipagtanggol ang kanyang boyfriend.
“He took those photos using his phone. Edited it using the app ‘Lightroom’ [Winking face emoji],” sabi ni Gabbi at dagdag niya, sumunod daw sila sa patakaran ng concert organizers. Artistic lang daw talaga si Khalil kaya’t nagmukhang high resolution ang mga inilabas nilang photos and videos.
“[W]e all followed the rules na bawal ang ‘professional’ camera. Sadyang magaling lang talaga jowa ko @TheKhalilRamos,” saad ng dalaga.
Naghamon naman si Khalil na bibigyan niya ng camera ang makapagpapatunay na nagdala nga siya ng professional camera sa concert.
“Hahahahaha if anyone can prove i brought a professional cam, bibigyan ko ng camera!! [Smiling face with open mouth and tightly-closed eyes emoji] but seriously, smartphone cameras are really good nowadays. You just have to learn how to use them [Winking face emoji],” pahayag ng aktor.
Maliban kina Khalil at Gabbi, naakusahan din ng pagsusungit at pang-iirap sa nasabing concert ang actress-director na si Bela Padilla ng isang fan na hindi niya mapagbigyan na makapag-take ng selfie photo kasama siya.