Aminado ang aktres at Miss International 2016 na si Kylie Verzosa na ang hakbang na ginawa niya laban sa isang online website na umano’y nanira sa kanya sa social media.
Kung matatandaan, may isang online article na nagsabing parang tuyot at retokada ang dalaga, kaya naman sinagot niya ito sa pamamagitan rin ng social media.
“These headlines are terrible! Calling my lawyer,” saad ni Kylie.
Sa isang panayam, sinabi ng dalaga na ilang beses na raw siyang nakabasa ng ganu’ng klase ng headline kaya nagdesisyon na siyang patulan ito at sinabing nakikipag-usap na siya sa kanyang abogado hinggil dito.
“Ako Tito Boy, ginawa ko ‘yun para tumigil na, para tumigil na sila sa pagsusulat ng ganoon not only to me but to other people as well,” paglilinaw ni Kylie sa panayam ni Boy Abunda.
“And you know in the states when you write about a woman like that, it’s very… parang ipapasarado na ‘yung (company),” dagdag niya. “It’s not about the headline, they have called me many things [but] it’s a number of times na they keep on doing it, in a week, seven days in a row, three times a day.”
Hiningan din siya ng mensahe para sa mga kabataang humahanga at patuloy na sumuporta sa kanya mula noong magsimula siya sa Beauty pageant hanggang ngayong isa na siyang award-winning actress.
“Just be yourself. Ako, at this point in my life, I’ve learned to be surround myself with people who just support me and ako mas binabantayan ko kung sino ‘yung pinapapasok ko sa buhay ko. Maraming tao sa buhay ko pero I’m very protective of my boundaries and I’m very protective of who I spend my time with, I spend my energy with, kasi I have dreams and goals and I want the people who I surround myself with to push me towards where I’m going,” sabi ni Kylie.