Aminado ang aktres na si Kris Bernal na nahihirapan siya ngayon pagbubuntis sa kauna-unahang pagkakataon at sa kanyang IG, ipinakita ng aktres ang kanyang baby bump habang nakasuot ng pink dress.
Kahit kitang-kita ang pagiging blooming ng soon-to-be-mom ay inamin niyang hindi madali ang pinagdadaanan ngayon dahil madalas siyang makaramdam ng tinatawag na “morning sickness” o ang kombinasyon ng pagkahilo at pagsusuka dulot ng pagbubuntis.
Nanghihingi pa nga siya ng mga payo upang labanan ang nararamdamang morning sickness.
“Felt cute. Might throw up later. [dizzy emoji] Honestly, pregnancy does not look as cute in real life as it does on IG, atleast not for me! Thanks to nausea!” saad ng aktres.
“I’m in my second trimester, but I still experience nausea all day, every day. What’s your go-to remedy to fight morning sickness?” dagdag niya.
To the rescue naman ang ilang netizens at nagbigay sila ng tips upang matulungan si Kris sa mga pagbabago na nangyayari sa kanya bilang first time mom.
Magugunitang inanunsyo ni Kris at ng kanyang mister na si Perry Choi ang bagong journey ng kanilang buhay sa pamamagitan ng napaka-cute na posters nitong buwan.
Sinabi pa ng aktres na mapalad sila dahil pinagkalooban sila ng biyaya ng Panginoon.