Kumakalat ngayon sa social media ang mga bali-balitang nagtampo o na-hurt umano ang aktres na si Maja Salvador sa isa sa mga jokes ng beteranong TV host na si Joey de Leon sa isang segment ng Eat Bulaga nitong nakaraan.
Nagbiro kasi si Joey na may parang patungkol sa mga prangkisa na hindi rin umano nagustuhan ng mga netizens.
Kitang-kita raw ang naging reaksyon ng isa nilang co-host sa noontime show na si Maja nang mag-joke si Joey tungkol sa isyu ng prangkisa.
Wala namang binanggit na TV station ang tinaguriang Henyo Master pero naniniwala ang mga netizens na ang kawalan ng prangkisa ng ABS-CBN ang tinutukoy nito.
Sa nasabing episode ng “Bawal Judgmental” ay napag-usapan ang tungkol sa historical franchise ng Miss International Queen pageant kung saan naging kandidata ang mga choices na professional Trans Beauty Queens.
Dito ipaliwanag ng CEO at National Director ng Miss International Queen Philippines na sila ang may kauna-unahang prangkisa sa naturang pageant na para sa mga transgender.
Kasunod nito ay nag-dialogue nga si Joey ng, “Buti pa kayo may prangkisa.” Nagtawanan ang mga tao sa APT Studio dahil sa pagpaparinig ng TV host.
Marami naman ang napansin na tila hindi nagustuhan ni Maja ang biro ni Joey na ilang dekada ring nagtrabaho sa Kapamilya station.