Binati ng aktres at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang kanyang kapatid na si Sarah sa kanyang birthday at sa IG ng dalaga ay ipinakita niya ang video nilang dalawa na nagtatawanan at naghahampasan.
“Ganito kami magmahalan,” saad ni Pia sa caption.
Kasabay ng pagbati ni Pia ay napa-throwback pa siya noong mga bata pa sila.
“Kwento sakin ni Mama that the day Sarah was born, I was so excited daw to see her. 2 year old me was trying to peek at the crib to see and hold her. And I kept saying “Baby!! Baby!!” with matching nginig sa gigil [laughing emoji] I knew then that I had a partner for life [happy face with hearts emoji],” sabi ni Pia.
“Love you sister. I’m always here to love and protect you. You know that,” dagdag niya.
Sa bandang huli ay binasag na ni Pia ang pagiging sweet sa kapatid at sinabing, “O sya tama na tong cheesiness. Ako din na cringe na. Magmurahan na tayo ulit. Love you!”
Maraming netizens naman ang naka-relate sa post ni Pia at kinatuwaan ang makulit na relasyon nilang magkapatid.
Kamakailan lang ay nagbigay ng update si Pia tungkol sa kanyang buhay na kung saan ay inanunsyo niyang malapit na siyang magpakasal sa fiancè na si Jeremy Jauncey.