Selosa pala ang aktres na si Bianca Umali lalo na kapag mayroon nang naiinvolve sa kanyang boyfriend na si Ruru Madrid pero paglilinaw niya, nasa lugar naman siya kung magselos at talagang palaging tama ang kanyang kutob.
Sa isang panayam kay Boy Abunda, sinabi ng dalaga na talagang matindi siya kung magmahal.
“I think kaya ko nasasabi na selosa ‘ko, especially when it comes to my relationships, is because ganu’n po ako magmahal, that I am territorial,” sabi ni Bianca. “And ‘yong pagkaselosa ko alam ko na nasa lugar, kapag alam ko na mayroon akong pagseselosan du’n ako nagseselos and I have been right all the time.”
Dito na naungkat ang kinasangkutan niyang issue last 2019 kung saan nagselos daw siya nang husto sa premiere night ng Cara x Jagger movie nina Ruru at Jasmine Curtis-Smith.
Ayon sa mga lumabas na balita noon, umabot daw ang away nila sa puntong muntik nang masagasaan ni Bianca si Ruru sa parking lot ng isang mall.
Depensa ni Bianca, totoo raw na may quarrel sila ni Ruru that time pero exaggerated daw ang mga lumabas na write up sa pangyayaring iyon.
“Yes, to clear things out, there was incident. Pero ‘yong lahat po ng lumabas na istorya na nababasa n’yo, to the point na muntik ko nang masagasaan…it was exaggerated at some point,” sabi ng dalaga.
Isiniwalat pa niya na nag-break sila ng aktor matapos ang insidenteng iyon sa parking lot. Ganu’n pa man, sinuyo daw siya ni Ruru para magkabalikan silang muli.
“Ru did everything that he could to save the relationship as well and to win me back,” sabi ni Bianca. “And I did so much work also to forgive and to say that, ‘Okay, let’s start again because I love you.’”
Happy naman si Bianca ngayon na sa kauna-unahang pagkakataon ay magtatambal sila ng kanyang nobyo sa teleseryeng The Write One na co-produced ng GMA Network at Viu.