Aminado ang aktres na si Rhian Ramos na palaban at hindi niya inaatrasan ang ilang bashers na nagkomento sa isa niyang Instagram post kung saan makikita na may dala siyang bag na ayon sa mga bashers ng dalaga ay peke umano.
Ang tinutukoy na IG post ay ipinakita ng dalaga matapos siyang dumalo sa launching event ng isang cosmetic company na kung saan ay makikita sa picture ang isang leather handbag na kapareho ng hugis mula sa French luxury brand na Birkin.
Burado na ang mga nasabing komento ng bashers, pero mababasa roon na kinukwestyon nila ang “authencity” ng nasabing bag.
Kaagad naman itong sinagot ni Rhian at mukhang napahiya pa nga ang mga nagkomento.
Dahil ang bag pala ng aktres ay mula sa isang Italian brand at hindi sa Birkin na siyang ipinipilit ng bashers.
Sinabi pa ni Rhian na iniregalo ito sa kanya ng isang local retailer shop.
“No, I’m pretty sure I don’t magically have the only existing mini kelly(?) birkin(?) in white/gray python… it’s a @buti_italia bag, gifted, and apologies to whoever this offends, but I liked the colour with beige, or camel, or caramel, or whatever you wanna call the colour I’m wearing [white heart emoji],” sabi ni Rhian.
Maraming netizens naman ang kumampi sa aktres at pinagtulungan ang mga basher na naninira sa aktres.