Viral ngayon ang photoshoot ng aktres na si Yassi Pressman dahil maraming mga netizens ang nagpahayag ng concern kaugnay sa mga ginamit sa kanyang pictorial.
Kamakailan lang kasi ay naging usap-usapan ang kanyang recent pictorial na kung saan ay may nakapatong na malaking dahon sa kanya at ayon sa ilang netizens, ang nasabing halaman ay tinatawag na “badjang” at ito raw ay nakakalason.
May mga ibang nagsabi naman na makati lang daw ito kapag dumikit sa balat.
Sa isang Instagram video, tiniyak ni Yassi na maayos naman ang kanyang kalagayan at walang masamang nangyari sa kanya.
Naikuwento pa niya na aware siya sa nasabing halaman dahil mayroon din daw siya nito sa kanyang bahay.
“Alam niyo, sobra akong naging thankful kasi ang dami pong naging concern po sa shoot namin,” sabi ni Yassi. “I do have this plant sa bahay namin at lagi rin ako naglilinis doon sa garden. Kaya thank God. okay po ako at safe po ako. So thank you.”
“At least I know that I’ll be a bit more safer. I love you guys!” dagdag niya.
Samu’t saring komento pa rin tungkol sa halaman ang makikita sa comment section ng nasabing post at patuloy pa ring pinagtatalunan ng netizens kung ay nakakalason o makati sa balat.