Hindi pinalampas ng aktres na si Ria Atayde na hindi sagutin ang mga namba-bash sa kanyang pangangatawan lalo na noong ipinakilala siya noong Enero bilang isang calendar girl.
Aminado si Ria na mayroon siyang hypothyroidism at walang gallbladder kaya mas hirap siyang magpapayat kumpara sa iba.
“I have hypothyroidism. I have no gallbladder. Losing weight is a lot harder for me than it is for other people,” sabi ng dalaga. “So, go ahead. Call me fat. Anong magagawa niyo? I’m sick with stuff I can’t fix. So, sino ka diyan.”
Ayon pa sa aktres, nang dahil sa kanyang calendar shoot ay na-empower siya na mas mahalin ang kanyang katawan.
Inihayag pa niya na ang pagiging sexy ay ang pagkakaroon ng confident sa sariling katawan.
“For me, sexy has always been about being confident and comfortable in your own skin,” saad niya. “Being able to embrace it and celebrate it because and in spite of its flaws. And I think after the calendar, I can celebrate it even more.”
“It didn’t change it, it made it even more real to me,” dagdag niya.
At siyempre hindi lang puro ka-negahan ang natatanggap ng aktres, meron ding mga positive comments na talaga namang na-appreciate daw ni Ria.
“When the calendar was released, there were negative comments but there are people who would reach out and say, ‘Thank you, you embraced your body and it taught me to embrace mine too’,” sabi ng dalaga.